- kabulyag(adj) - isang sitwasyon kung saan hindi magkamayaw ang mga tao.
- kaligya(adj) - isang sitwasyon kung saan hindi magkamayaw ang mga tao.
- kawhe(n) - pantanggal ng antutuli
- karitan(n) - puno ng buli o kaya ay niyog na kinukuhanan ng tuba.
- kasilyas(n) - kubeta po ito sa mga taga-bayan
- kayakas(n) - mga tuyong dahon ng saging.
- kayakas(adj) - isang tao na sobrang ingay o sobrang dami ng kwento.
- kungo(n) - isang uri ng alimango na karaniwang nahuhuli sa pamamagitan ng patibong na itinataan sa agbang.
- kagang(n) - isang uri din ng alimango pero ito ay karaniwang nakikita sa mga bunton ng bunot o kaya ay sa masusukal na lugal sa gubat.
- karag(n) - isang uri ng alimango. Sa ingles ito ay tinatawag na ghost crab.
- kaltang(n) - isang isda, kulapo n sobrang laki, kaya napakalaki na din ng bunganga. Ayon sa alamat, kapag nakati daw ay hinihigop ng isang kaltang ang tubig sa dagat.
- kabi-kabi(adj/n?) - di ko rin maintindihan kung ano ito pero kapag maingay kami sa klase ay ganito ang sinasabi ng aming guro: "Ano gang iingay ninyo, siyang siya kayo ng mga kabi-kabi.
- kima(n) - isa sa mga pinakamalalaking kabibe.
- kulkol(v) - pang sinabing nagkukulkol, ang ibig sabihin nito ay naghuhukay.
- kilya(n) - ito ang nagsisilbing protesksyon ng kasko ng isang bangka upang hindi agad magasgas kapag isinasaray ang isang bangka.
- kasko(n) - parte ng isang bangka kung saan ikinakabit ang parka
- katig(n) - karaniwang gawa sa kawayan, ito ang nagsisilbing panimbang ng isang bangka.
- kurikan(n) - isang bangkang de-layag. karaniwang ginagamit sa pagpapahila upang makahuli ng tulingan.
- kurukutok(n) - isang hayop na kamukha ng kuto. Karaniwan itong nakatira sa mga silong ng bahay kung saan ay magabok o mabuhangin.
- kulkol(v) - kasingkahulugan ng salitang hukay. Hal. Ang aso namin ay mahilig magkulkol sa harapan.
- kagkag(v) - kasingkahulugan ng kamot. Hal. Kinagkag ni Tiro ang kanyang ulo bago sumunod sa kanyang asawa.
Monday, April 13, 2009
Ang Titik K
Ito po ang mga salita para sa titik K.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sir, bkit wla s listahan ang kuyukot,kuyitib, kamuros at kibal? d nyo alam noh?
ReplyDeletekuyukot(n) - ang rehiyon sa may bandand itaas ng butas ng puwet
ReplyDeletekuyitib(n) - mga guyam na kulay itim, matutulin kung kumilos at mahilig kumain ng matatamis
kamuros(n) - isang uri ng bigas na mabango at masarap
sir taga saan ho kyo s batangas
ReplyDelete
ReplyDeleteAdmin, if not okay please remove!
Our facebook group “selfless” is spending this month spreading awareness on prostate cancer & research with a custom t-shirt design. Purchase proceeds will go to cancer.org, as listed on the shirt and shirt design.
www.teespring.com/prostate-cancer-research
Thanks