Are na ho ang sabi ng mga BatangueƱo:
- ag-agan(n) - ginagamit ng mga karpintero para paghiwalayin ang buhangin sa graba at grabitas
- agipo - panggatong o uling na may apoy pa
- agbang(n) - ito ay isang ilog o kaya ay ilug-ilugan na naiga na at karaniwang nagkakatubig lamang pag may bagyo
- aguha(n) - ito ay isang malaking karayom
- agwanta(v) - ito ang katumbas ng salitang tiis. hal: Kung maikli ang kumot, mag-agwanta kang bumaluktot
- alamag(n) - ito ho yung nakislap sa gabi pag hinahalo natin ang dagat.
- alamag (adj) - nagsasaad na ang tuba na binarik ay natalab na. Hal: Pare naalamag na eh, pass muna ako.
- alid(n) - ito ay dulis o kaya ay lumbak na pinatuyo, karaniwang pinipirito o isinasangag para maiulam. dilis ang tawag dito ng ilan
- alis-is(adj?) - ibig sabihin nito ay mainit o maalinsangan. syn. mabanas
- aluy-uy(adj) - nangangahulungan ng pagtuod ng mga salita sa pamamaraang halos ay kumakanta
- ampiyas(n) - ito ay nagaganap tuwing naulan, ang tubig na napasok sa bintana na hindi agad naisara ay tinatawag na ampiyas
- apiki(adj) - isang sitwasyon kung saan ang isang tao ay hindi na makaibo
- arkansa(n?)- kasingkahulugan ng salitang mag-adhika
- asarol(n) - ginagamit sa pagbabangbang
- asada(n) - kagaya rin ng asarol, are nga laang ay mas malapad ang talin at mas malambot kaysa asarol
- asbag(adj) - pantukoy sa isang tao na wala nang ibang magaling kundi siya
Alam ko ho na kayo ay napakarami pang alam ng maaaring idagdag para dito sa titik A. Kaya hala, huwag na ho kayong mag-agwanta, sige ho dagdagan na ninyo ang bokabularyo natin, paki-type na lamang ho sa comments.
Isa nga pala pong katanungan, ano po ang tawag sa hawakan ng asarol at asada?
kawot-kasing kahulugan ng sandok
ReplyDelete